USCIS, magsasakatuparan ng Programang Parole para sa mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

USCIS, magsasakatuparan ng Programang Parole para sa mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

WASHINGTON — Simula Hunyo 8, 2016, ang U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ay papayagan ang ilang benepisyaryo ng aprobadong family-based immigrant visa petitions na magkaroon ng pagkakataong mapagkalooban ng parole base sa kani-kanilang kaso upang sa gayon ay makarating sa Amerika habang hinihintay ang kanilang immigrant visa na magagamit sa tamang panahon.

Ang mga detalyeng patakaran sa nasabing parole ay matatagpuan sa ulat ng White House, na nailathala nuong Hulyo 2015. Mayroong tinatayang bilang na 2,000 hanggang 6,000 na beteranong Filipino-American na nakipaglaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang kasalukuyang naninirahan sa Amerika ngayon. Bukod pa sa mga ilang bagay, ang patakarang ito ay maaari din magbigay sa karapat-dapat na indibidwal na sumuporta at kumalinga sa mga nakatatandang beteranong U.S. citizens o permanenteng residente na miyembro ng kanilang pamilya.

“Ang Programang Parole para sa mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay dangal sa mga libo-libong Pilipino na buong loob at tapang na nakipaglaban para sa bansang Amerika sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig,” ayon kay USCIS Direktor Leon Rodriguez. “Bilang pagkilala sa mga kontribusyon at sakripisyong ginawa ng mga kinikilalang beterano, ang patakarang ito ay nagbibigay daan sa mga miyembro ng pamilya ng naturang Filipino-American na naghihintay sa kanilang immigrant visa upang makapunta sa Amerika at muling makapiling ang bawat isa. Sa mga nakararami, ito ay magbibigay daan rin upang makapagbigay ng suporta at pangangalaga sa mga nakatatandang beterano o nang kanilang nabubuhay na asawa.

Maliban sa mga immediate relatives ng mga U.S. citizens, ang numero ng ibang family-based immigrant visa na magagamit ayon sa bansang pinagmulan sa anumang naibigay na taon ay limitado ayon sa batas. Ang mga resulta ng limitasyong ito ay magbibigay ng mahabang panahong paghihintay sa mga miyembro ng pamilya na makapiling ang mga nagpitisyong U.S. citizens o permanenteng residenteng kapamilya na nasa Amerika at upang maging ganap na permanenteng residente rin sila. Sa mga Filipino-American, ang paghahantay ay maaaring umabot hanggang sa 20 taon.

Sa ilalim ng patakaran, ang ilang miyembro ng pamilya ng beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maaaring mapagkalooban ng parole upang makapunta sa Amerika bago maging available o magamit ang kanilang visa.Sa mga limitadong kaso, ang mga kuwalipikadong kamag-anak ay maaring makahanap ng parole para sa kanilang mga sarili kapag ang kanilang kamag-anak na beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kanyang asawa ay pareho nang namatay.

Sa ilalim ng Programang Parole sa mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang USCIS ay susuriin ang bawat kaso upang malaman kung ang pagpapahintulot ng parole ay sadyang angkop.Ang bawat indibidwal na dumating sa U.S. Port of Entry ay susuriin ng U.S. Custom and Border Protection para malaman kung pwedeng mabigyan ng parole ang nasabing indibidwal.

Ang legal na kapangyarihan sa patakaran ng parole ay nanggaling sa Immigration and Nationality Act, na nagpapahintulot sa Sekretarya ng Homeland Security na bigyan ng parole sa Amerika ang mga kwalipikadong indibidwal base sa kani-kanilang kaso, para sa madaliang makataong dahilan, o kaya naman ay sa makabuluhang pampublikong benepisyo.

Ang karagdagang inpormasyon tungkol sa Programang Parole sa mga Beteranong Pilipino ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga pamamatnubay para sa mga naayong gawin, proseso ng aplikasyon at kung saan maaring isumite ang aplikasyon ay matatagpuan sa binagong Form I-131 instructions at ng Federal Register notice na nailathala kahapon. Hindi po kami tatanggap ng aplikasyon sa ilalim ng patakaran bago mag Hunyo 8, 2016.  Ang USCIS ay matinding hinihikayat ang mga kwalipikado at interesadong indibidwal sa paghiling ng parole sa ilalim ng FWVP Program na isakatuparan sa loob ng 5 taon mula Hunyo 8, 2016.

Para sa mga karagdagang inpormasyon ukol sa ibat-ibang programa ng USCIS, mangyaring bisitahin ang www.uscis.gov o kaya naman ay sundan kami sa Twitter (@uscis), You Tube (/uscis), Facebook (/uscis) at sa USCIS blog The Beacon.